October 30, 2024

Mga Dapat Malaman at gawin Bago Magpabunot ng Ngipin

Spread the love

Ang tinatawag na tooth extraction ay ang proseso ng pagtanggal ng ngipin na naka dikit sa ating buto sa bunganga. Ang dental procedure na ito ay nakakatakot at nakakapangamba sa mga tao dahil sa sakit na dulot ng pagbunot ng ngipin.

Pero kabaliktaran sa mga napapagusapan ang pagpapabunot ng ngipin ay napaka safe, proven na noon pa na may naibibigay na kaginhawaan at makakaiwas pa sa mga impeksyon dulot ng bulok na ngipin.

Mga dapat malaman bago magpabunot ng ngipin

1. Kailan dapat magpabunot ng ngipin?

-In some cases pwede pa maayos o ma i-save ang ngipin na may sira. Mahirap kasi ang walang ngipin, hindi ka basta makakain ng matitigas na ulam. Kaya minsan ang ginagawa ng mga dentista ay tooth restoration, pasta, dental crown o jacket crowns o di naman kaya ay root canal.

-Sa mga kaso na hindi na talaga maisasalba pa ang ngipin, tooth extraction na ang recommendation ng dentista

2. Kapag ang sira ng ngipin ay umaabot sa mga nerves na ng ngipin, dapat na itong bunutin

-Sa mga may budget gaya ng sabi kanina, pwede ito ipa-root canal para may ngipin padin na matitira.

3. Kapag may severe infection na umaabot sa pinaka buto ng ngipin

-Kakainin ng nana ang pinakalalim na buto ng ngipin sa infected na ngipin.

4. Kapag palabas na ang permanent teeth ng bata at nahihirapan ito dahil sa mga baby teeth o temporary teeth ng bata, kailangan na itong ipabunot

5. Mga magpapa-braces

-Kapag patong patong ang ngipin kailangan mag create ng space para ma-align ng maayos ang ngipin lalo na yung mga patong patong.

Mga Dapat malaman ng Dentista bago magpa bunot ng Ngipin

Mga sakit na maselan kagaya ng sumusunod:

-Highblood/hypertension

-Buntis

-Diabetic

-Nag pa opera sa puso

-Liver disorder

-Sakit sa puso

-HIV

-Chemotherapy

-Bone disorder o bone supplements

Paghahanda bago Magpabunot ng Ngipin

Bago pumunta sa dentista sa scheduled date ng pagpapabunot kailangan ay prepared din ang pasyente.

1. Kailangan ng sapat na tulog at pahinga

-Kailangan mayroong sapat na tulog na umaabot ng 6- 8 hours para hindi stress sa araw ng schedule ng pagbunot.

2. Huwag uminom ng alak

-Isa hanggang tatlong araw bago ang bunot ng ngipin ay dapat iwasan muna ang paginom ng alak. Kailangan hindi lasing para malakas din ang immune system

3. Para sa mga may high blood pressure

-Kailangan nakainom ng gamot o maintenance medicine bago ang pagbunot ng ngipin

4. Kapag may gamot na blood thinners kailangan iwasan muna.

-Tatlo hang pitong araw huwag iinom ng mga blood thinners

5. Siguraduhin na walang ubo, sipon o lagnat

6. Sa senior citizen, bata dapat may kasama pagpunta before at after ng pagbunot sa ngipin.

Mga Dapat i-expect sa Araw ng pagbunot ng Ngipin

1. Mouth inspection/exam

-Titignan ang oral cavity o i-check ang kondisyon ng ngipin kung kailangan ba talaga ng extraction o root canal treatment.

2. Kapag pwede na bunutin gumagamit ng Topical anesthesia at ipinapahid ito sa gilid ng ngipin para pag tinusok ng dental anesthetic para hindi masakit ang needle

3. Paggamit ng Dental Anesthetic para mamanhid ang ngipin

-Maganda na sa ngayon ang mga anesthesia ng ngipin at mabisa na ito kaya hindi mararamdaman ang pagbunot ng ngipin.

4. Pag hihintay ng pamamanhid ng ngipin para sa epekto ng anesthesia

– Minsan ang mga dentista ay minamasahe pa ang gilagid na na-injection para makasigurado na kumalat na ang anesthesia at makasiguro na namanhid na ang bahaging bubunutin.

5. After mag take effect ng anesthesia kukunin na ang mga gamit sa pagbunot ng ngipin. Para sa procedure ng pagbunot:

-Ihihiwalay ang gums sa ngipin muna. Gamit ang instrument ng dentista sa paraan na ito.

-Gagamit na ngayon ang dentista ng elevator. I-uuga ang ngipin na bubunutin at para hindi din magalaw ang katabing ngipin

-Kapag umuuga na ang ngipin kukuha na ang dentista ng dental forcip o plais. During this time nagalaw na ang ngipin at madali nalang siyang mabunot.

Conclusion

Kailangan din ng paghahanda bago magpabunot ng ngipin para hindi tayo ma-stress. Dahil sa makabago nading mga technique at pamamaraan ng pag anesthesia at pagtanggal ng ngipin hindi na ganoon kasakit kumpara dati ang pagtanggal ng sirang ngipin.

Iba pang mga Babasahin

Signs ng Mababa ang Potassium : 7 na Sintomas na makikita

Mababa ang Potassium nakamamatay: Ano ang Gamot

Gamot sa Kuliti sa Mata na Ointment :Sintomas at Mga dapat gawin para makaiwas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *