Ang topic natin sa article na ito ay para sa sakit sa kidney or mga sakit sa bato. So napakaraming pilipino merong sakit sa kidney sakit sa bato. Pero hindi natin masabi bakit sa pilipinas napakarami nasa humigit eighty thousand nagda dialysis.
Yun lang baka umabot na ng milyon siguro na merong may diperensya sa kidney. So meron tayong twelve signs and symptoms. Labing dalawang senyales na posibleng meron ka ng sakit sa kidney.
Bakit madalas may sakit sa Kidney sa Pilipinas?
Bakit nagkakasakit sa kidney ay mga kinakain natin dito. Hindi healthy kasi mga pagkain natin sa Pilipinas.
Alam niyo naman laging mura, matipid, mababa presyo kaya yung kalidad nasisira. Sa sobrang alat, toyo, patis, bagoong ,noodles yung mga kinakain natin paulit ulit kaya hindi ganun ka healthy.
Papano natin malalaman early warning signs. Ito yung mga sintomas. ituturo natin yung labing dalawa. So icheck niyo kung meron kayo. Kung meron, meron namang mga mga test na gagawin para malaman kung may kidney problem.
12 na Sintomas ng sakit sa kidney
1. Pagbabago sa Pag-ihi
2. Masakit na Pag-ihi
3. Kulay Pink o Mapula ang Ihi
4. Mabula ang Ihi
5. Nahihilo
6. Laging Nilalamig at Maputla
7. Mga Rashes
8. Pagsusuka
9. Hinihingal
10. Manas
11. Laging pagod
12. Maputla
Number one, i-check niya yung pag ihi. So first is nagbabago ang pag ihi. Ibig sabihin dati normal siguro pag ihi mga walong beses isang araw ah biglang dumadami yung ihi mo ihi ka ng ihi or mas delikado pa yung kumokonti ang ihi. So biglang dumami biglang kumonti ang ihi. Kailangan malaman natin bakit ganito nangyayari.
Number two yung masakit yung pag ihi. Dito sa tagiliran masakit ang pag ihi, paglabas nung ihi masakit. Pwedeng may infection sa ihi or yung iba paglabas may nakikitang mga buhangin buhangin.
May ibat ibang klaseng kidney stones na maliit na parang buhangin lang yan at minsan makulay pink ang ihi. Pag ang ihi niyo kulay pink ibig sabihin nun may dugo pink.
Number three kulay pink mapula o may dugo ang ihi. So pag merong ibang lumalabas na ibang kulay hindi may yellow hindi rin ito maganda.
Number four mabula ang ihi. Ngayon karamihan ng tao talaga normal na mabula ang ihi ang sinasabing mabula yung sobrang bula para kang uminom ng orange juice na maraming bula talaga.
Talagang frothy na bumubula tsaka yung pag bula ng ihi hindi po natatanggal kasi umihi mabula after two minutes nandun pa rin yung bula. Hindi nawawala yung bula parang sa kape na bumubula. Ganun na ganun ang bula ng may protina sa ihi.
Number five may manas. Syempre sa kidneys di na nakakalabas yung tubig at yung dumi ng katawan nag iipon ang manas manas sa paa. Para malaman mo yung ito nagbara dito sa kidneys kaya may manas sa paa. Para malaman kung may manas ito, dinidiinan natin yan sa may buto. Pagkadiin nakita niyo nakalubog yung balat o kaya hindi dapat nakalubog yan. Pag nakalubog yan sa may maraming tubig, pag ang tubig niyo hanggang dito sa uncle o bukong bukong o parang basta maraming tubig na yan mga limang basong excess water na yan.
So pag umabot pa hanggang tuhod mas marami pa may mga litro yun ilang litro na sobra ng tubig. So hindi lang paa nagmamanas pati kamay din pwedeng magmanas masikip ang singsing masikip ang kamay at yung mukha yung sakit sa kidney namamaga yung dito sa may puffy eyes. Parang maga paga ang mukha.
Number six symptom laging pagod. Sobrang pagod walang lakas kasi nga mahina ang katawan, anemic pa.
Number seven nahihilo. Ang kidneys nagpapadami ng dugo sa buto at sa katawan so pag nasira ang kidneys hindi siya nagrerelease nung chemical na retropositive at dahil dito hindi siya nakakagawa ng dugo nagiging anemic ang pasyente. Pag anemic na napapagod masyado.
Number eight dahil nga anemic laging nilalamig maputla. Lagi silang giniginaw nilalamig sila at maputla yung mukha.
Number nine meron ding may mga rashes kung may sira ang kidney. Hindi makalabas ang toxins sa katawan kaya nag iipon sa katawan at nagging dahilan ng nagra rashes at nangangati.
Makati maraming klaseng rashes.
Number ten pag di na nakakalabas yung ihi dumadami yung ammonia sa katawan. Yung ammonia lumalabas sa bibig na ammonia.
Yung ammonia mapanghi para pumunta ka sa cr ng mga lalaki mapanghi, ammonia yun. At yung amoy ng mapanghi hindi sa ihi lumalabas sa bibig so pag may kausap ka hindi lang siya bad breath, amoy ihi ang hininga yun pwedeng may kidney breath or urea breath at isang sintomas din yun.
Number eleven pag nag ipon na yung toxin sa katawan magsusuka nasusuka at magsusuka.
Number twelve pag nag ipon na nga yung tubig sa katawan yung toxin, anemic, hihingalin na konting lakad lang hingal na ang pasyente. Ito yung mga symptoms ng kidney problem.
Ngayon anong gagawin natin sa kidney problem?
Number one papa urinalisis kayo. Di ba di pa naman sure kasi itong mga sintomas pwede rin tong makita sa ibang mga sakit so first step urinalisis. Makikita dun kung may problem may impeksyon may protina pakita sa doctor.
Number two sa blood test ang minimum kailangan niyo CBC, pati creatinine si cbc complete blood count makita yung dami ng dugo kung anemic.
Number three maintain ang creatinine,kapag tumaas may sira ang kinis pero kahit normal ang creatinine pwedeng may sira pa rin ang kinis.
Ang creatinine tumataas lang to pag fifty percent ng sira ang kidneys. Kapag fifty percent pag kalahati na sira pag kalahati ng kinis mo sira tsaka pa lang tataas ang creatinine kaya hindi porke hindi mataas ang creatinine okay lang. Kapag tumaas na ang creatinine kahit konti ibig sabihin malaki na ang damage.
Oras na tumaas ang creatinine kahit konting taas yung iba nasasabi fifty percent damage na, so aagapan natin habang di pa tumataas creatinine. Habang may symptoms pa.
Basically ang treatment natin sa kidney ay kung may highblood dapat control diabetes, control pag inom ng tubig, iwas sa pain reliever.
Ingat din sa mga minsan yung mga gamot o yung mga iniinjection ng mga contrast daw pang ct scan. May mga chance minsan nakakasira din ng kidneys, lalo na ang pain nadeliver yung mga gamot sa kirot. Nakakasira din ng kidneys yan so ingat lang pakonti konti lang inom nun ang matagalang pang inom ng pain reliever nakakasira ng kidney.
Listahan ng Kidney Clinic sa Makati
Iba pang mga Babasahin
Paano malalaman kung mayroon kang Diabetes – Mga clinic tests
Paano malalaman kung mayroon kang Diabetes – Mga clinic tests
Signs ng Mababa ang Potassium : 7 na Sintomas na makikita
Mababa ang Potassium nakamamatay: Ano ang Gamot
Sources
https://www.kidney.org/news/ekidney/august14/10_Signs_You_May_Have_Kidney_Disease
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-kidney-disease/symptoms-causes/syc-20354521
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17689-kidney-failure