November 21, 2024

Paano malalaman kung mayroon kang Diabetes – Mga clinic tests

Spread the love

Nagiisip kaba kung mayroon kang diabetes?

Baka kasi may nararamdaman ka na kakaiba sa katawan na dati ay wala naman kagaya ng madalas magutom o nakita mo ang ihi mo ay madalas bang langgamin?

Sa article na ito paguusapan natin kung pano nyo malalaman kung meron kayong diabetes.

Bakit kailanga agapan ang mga Sintomas ng Diabetes?

Ang maagap na pagtugon sa mga sintomas ng diabetes ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa mga komplikasyon ng diabetes tulad ng diabetic retinopathy (pinsala sa mata), neuropathy (pinsala sa nerves), at cardiovascular disease (sakit sa puso at mga ugat).

Maaari ka ding magsimulang gumawa ng mga pagbabago sa iyong lifestyle at diyeta upang mapanatili ang normal na antas ng asukal sa dugo. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang pagtaas ng asukal sa dugo at pag-unlad ng mga komplikasyon

3 Common Signs na may Diabetes ang Pasyente?

So ano ba yung tatlong very common na sintomas ng diabetes.

Una yung polyuria – ito yung madalas sa pag ihi,usually sa gabi mahigit isang beses gigising para lang umihi

Pangalawa yung polydipsia -ito naman yung sobrang pagkauhaw

Pangatlo yung poliphagiao – yung madalas na pagkagutom

Mga Paraan para malaman kung may Diabetes

Tapos yung mga test na pupwedeng gawin para malaman kung mataas yung blood sugar pupwede yung fasting blood sugar (FBS) yung random blood sugar (RBS) o kaya mas maganda yung OGTT seventy five grams

So ano ba tong mga sinasabi ko?

Una yung fasting blood sugar (FBS) kung saan magfafasting ka muna at least eight hours tapos kukuhanan ka ng dugo. Yung normal value para dun sa mga taong wala pang diabetes is 70 – 99. Okay lang yun basta dapat itetest yun one hour to two hours after meal.

Pangalawa ay ang tinatawag na Random blood sugar test. Ano ba yung normal value kapag wala pang diabetes yung pasyente. Ang normal value ng random blood sugar one to two hours after meal is < 140mg/dl.

Kapag may diabetes sa normal na tao ang value nito ay <180mg/dl

Ngayon kasi hiwalay pa tong test na FBS at random blood sugar test pwde naman gawin ang OGTT 75 grams. Ang OGTT75 grams is a gold standard for making diagnoses of type 2 diabetes.

Papano ba to ginagawa? Dapat magpafasting din yung patient for eight, at least eight hours but not more than fourteen hours tapos kukunan siya ng blood.

So yung blood sample yung unang blood sample na kinuha yun yung fasting blood sugar tapos painumin yung patient ng seventy five grams ng sugar. Sa clinic madalas gamitin yung dextrose powder.

Seventy five grams of dextrose powder lalagay siya sa mineral water at least three hundred fifty ml to five hundred ml na water madilute dun yung powder and then iinumin ng patient.  Saglit lang naman siya inumin in less than thirty minutes na inom na yan ng patient tapos pagkainom niya mag orasan siya. After one hour pagkainom nung solusyon kukunan na siya ng dugo tapos after another hour kukunan ulit siya ng dugo tapos titingnan  kung ano yung result kung merong mataas na value.

Iba pang mga Babasahin

Pampababa ng blood sugar Home remedy : Mga Herbal para sa Diabetes

Gamot sa Diabetes na nasa Capsule

Sintomas ng Diabetes sa Babae

Mga Sintomas at Lunas para sa Diabetes

One thought on “Paano malalaman kung mayroon kang Diabetes – Mga clinic tests

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *